Biyaheng Tanjay ☺
Ang Lungsod Tanjay ay isa sa lungsod ng lalawigan ng Negros Oriental, na may layong 30 kilometro mula sa Lungsod Dumaguete. Napapaligiran ito ng hangganan Lungsod Bais sa hilaga, bayan ng Amlan sa timog, Kipot Tañon silangan, at bayan ng Pamplona sa kanlurang bahagi.
Ang Tanjay ay hindi kalayuan sa lungsod ng Bais. mga humigit kumulang dalawangpung minuto lang ang aabutin ang biyahe mo patungo doon. Nagkaroon ako ng maliit na oras para malibot ang naturang lugar. Kahit na hapon na iyon ay na isipan ko paring gumala doon. Naging masaya naman ang paglilibot ko sa nasabing lugar kahit maikli lang ang oras ko doon. Sa paglilibot ko sa lugar na iyon ay marami akong natutunan.
Sa paglilibot ko ay napadpad ako kung saan-saan. Makikita naman sa larawan na napakalinis ng lugar na ito. Ni walang basurang nakakalat sa daan. Dahil katatapos palang ng pasko at magbabagong taon pa lamang bawat kalye nila ay may mga nakalgay na makukulay na Christmas Tree, siguro ay naisipan nilang mga pa Contest paggawa ng mga ito.
Naisipan ko ring pumunta sa kanilang simbahan. Ito ang kanilang simbahan ang St. James Parish. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa loob dahil may misa kaya hanggang sa labas lamang ako. Maganda ang pagkagawa ng kanilang Simbahan. Ito ay isa sa mga pinakalumang simbahan sa buong Negros. Kaya ganoon lamang kadami ang pumupunta sa naturang simbahan.
Makikita na ang Tanjay ay kilala sa delicacy nitong Budbud na gawa sa malagkit na bigas na binalot sa dahon ng saging. Hindi kagaya ng ibang budbud na mabibili sa mga palengke kakaiba itong sa kanila. Sapagkat may halo itong tskolate. Ito'y mabibili lamang sa halagang sampung piso kada dalawang piraso. Sulit na ang sampung piso mo kapag nakabili ka nito.
Matatakam ka talaga sa bawat kagat mo ng budbud. Maigi din itong pampasalubong sa iyong mga kamag-anak. Natuklasan ko mismo kung paano ito ginawa ng ale. Mabuti nalang at mababait ang mga taong dito.
Ito ang kanilang napakalinis na palengke. Sayang nga lang at nagkulang ako sa oras at mag gagabi na rin tuloy himdi ko napuntahan ang iba bang magagamdang lugar sa Tanjay. Pangako ko sa sarili ko na babalik ako dito at maglalakbay pang muli sa kanilang magandang lugar ☺
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento