Lungsod ng Bayawan

Dinarayo ang Lungsod na ito dahil kilala ito sa makulay nitong pagdiriwang ng kanilang makulay na pista. Ito ang tinaguriang "TAWO-TAWO" festival (Scarecrow Festival Of Bayawan City) kung saan ang mga gumagawa ng naglalakihang mga "paper mache" ang mga tao kasabay nito ang magiliw na pagsayaw ng mga kalahok sa nasabing patimpalak na kung saan ay nakasuot sila ng makukulay at magagarang damit. Ang mga higanteng mga scarecrow ang nagsisilbing panakot sa mga ibong maya na namiminsala sa mga palay sa palayan ng mga magsasaka. Ang naturang pagdiriwang ay alay sa kanilang patron na si Santo Tomas Villanueva sa pagbibigay ng masaganang ani sa buong taon. Talagang kakaiba ang pagdiriwang sa Lungsod na ito masasabi na sulit ang bakasyon mo dito. Naging ugali na ng pamilya namin ang manood sa nasabing Festival dahil talagang maganda ito at pampamilya.


Ang baye-baye ay isa naman sa pinaka paboritong kainin naming mga Bayawanon. Ito ang nagsisilbing pinakapatok na delicacy sa amin. binabalik-balikan ito ng ng mga tao at ito'y maiging pasalubong para sa inyong mga kaibigan. Talagang katakam takam ito sa unang kagat palamang, na alala ko noon nong nag uwi ako ng nasabing pagkain para sa mga kaklase ko ay talagang natuwa sila dahil sabi nila iba talaga ang sarap ng baye baye ng Bayawan. Ito ay gawa sa Glutinous rice (pilit) at Bukayo. Mabibili rin ito sa halagang Isang daan kada Tatlong piraso.

Marami pang hiwaga at kagandahan ang mayroon ang Bayawan. Kaya ipinagmamalaki ko na ako'y Bayawanon ☺
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento