Biyaheng Bais ☺
Kahapon lang ay napagtripan kong pumunta sa Lungsod ng Bais. Dala na sigurong pagkabagot sa bahay ay napagdesisyunan kong gumala doon. Hindi naman ito ang kauna-unahang beses na napadpad ako sa Lungsod ng Bais pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na ma mahaba-haba ang oras na ginugol ko sa paglalakbay doon. Naging sulit naman ito kahit naglalakad ako ng mag-isa kahit matindi ang sikat ng araw. Tiyempo namang Desyembre pa ngayon kaya maigi kang makakapamasyal doon.
Nagandahan talaga ako sa mga nakita ko sa kanilang parke. Punong-puno ito ng mga decorasyon at palamuti. may mga nagagandahang mga parol sa paligid at eto pa napakaganda ng kanilang Christmas tree sobrang haba nito na napapalibutan ng mga makukulay na palamuti. "Nakakamangha talaga ang lugar na ito" noong naisipan kong magpahinga.
San Nicolas De Tolentino parish of Bais City.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at napadpad ako sa kanilang simbahan. Napakaganda ng istraktura. Nakakamangha dahil siguro sa matingkad nitong kulay na lalong nagpaganda nito. Mukhang makaluma ito sa unang tingin pa lamang.

Ito ang magarang Mercado nila. Sa unang kita palang ay sinong mag aakala na palengke pala ito? Kung tutuosin parang mall na ito. Ubod ba naman ito ng laki. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa kanilang palenke at aba! napakalinis nito. Organisado lahat at dalawang palapag pa. Ibang-iba ito sa mga napuntahan at napasukan kong palengke tila nawili ako sa paglilibot sa buong gusali.

Tunay talaga na naging sulit ang paggala ko sa Bais. Isa ito sa mga maituturing di malilimutan kong paglalakbay ♥♥ Kaya nagbaon ako ng matamis na ngiti pauwi sa amin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento