Sabado, Disyembre 31, 2016


Biyaheng Tanjay ☺


Ang Lungsod Tanjay ay isa sa lungsod ng lalawigan ng Negros Oriental, na may layong 30 kilometro mula sa Lungsod Dumaguete. Napapaligiran ito ng hangganan Lungsod Bais sa hilaga, bayan ng Amlan sa timog, Kipot Tañon silangan, at bayan ng Pamplona sa kanlurang bahagi. 


Ang Tanjay ay hindi kalayuan sa lungsod ng Bais. mga humigit kumulang dalawangpung minuto lang ang aabutin ang biyahe mo patungo doon. Nagkaroon ako ng maliit na oras para malibot ang naturang lugar. Kahit na hapon na iyon ay na isipan ko paring gumala doon. Naging masaya naman ang paglilibot ko sa nasabing lugar kahit maikli lang ang oras ko doon. Sa paglilibot ko sa lugar na iyon ay marami akong natutunan. 


Sa paglilibot ko ay napadpad ako kung saan-saan. Makikita naman sa larawan na napakalinis ng lugar na ito. Ni walang basurang nakakalat sa daan. Dahil katatapos palang ng pasko at magbabagong taon pa lamang bawat kalye nila ay may mga nakalgay na makukulay na Christmas Tree, siguro ay naisipan nilang mga pa Contest paggawa ng mga ito. 


Naisipan ko ring pumunta sa kanilang simbahan. Ito ang kanilang simbahan ang St. James Parish. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa loob dahil may misa kaya hanggang sa labas lamang ako. Maganda ang pagkagawa ng kanilang Simbahan. Ito ay isa sa mga pinakalumang simbahan sa buong Negros. Kaya ganoon lamang kadami ang pumupunta sa naturang simbahan.




Makikita na ang Tanjay ay kilala sa delicacy nitong Budbud na gawa sa malagkit na bigas na binalot sa dahon ng saging. Hindi kagaya ng ibang budbud na mabibili sa mga palengke kakaiba itong sa kanila. Sapagkat may halo itong tskolate. Ito'y mabibili lamang sa halagang sampung piso kada dalawang piraso. Sulit na ang sampung piso mo kapag nakabili ka nito. 

Matatakam ka talaga sa bawat kagat mo ng budbud. Maigi din itong pampasalubong sa iyong mga kamag-anak. Natuklasan ko mismo kung paano ito ginawa ng ale. Mabuti nalang at mababait ang mga taong dito. 





Ito ang kanilang napakalinis na palengke. Sayang nga lang at nagkulang ako sa oras at mag gagabi na rin tuloy himdi ko napuntahan ang iba bang magagamdang lugar sa Tanjay. Pangako ko sa sarili ko na babalik ako dito at maglalakbay pang muli sa kanilang magandang lugar ☺

Biyernes, Disyembre 30, 2016

Biyaheng Bais ☺


Kahapon lang ay napagtripan kong pumunta sa Lungsod ng Bais. Dala na sigurong pagkabagot sa bahay ay napagdesisyunan kong gumala doon. Hindi naman ito ang kauna-unahang beses na napadpad ako sa Lungsod ng Bais pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na ma mahaba-haba ang oras na ginugol ko sa paglalakbay doon. Naging sulit naman ito kahit naglalakad ako ng mag-isa kahit matindi ang sikat ng araw. Tiyempo namang  Desyembre pa ngayon kaya maigi kang makakapamasyal doon. 


Nagandahan talaga ako sa mga nakita ko sa kanilang parke. Punong-puno ito ng mga decorasyon at palamuti. may mga nagagandahang mga parol sa paligid at eto pa napakaganda ng kanilang Christmas tree sobrang haba nito na napapalibutan ng mga makukulay na palamuti. "Nakakamangha talaga ang lugar na ito" noong naisipan kong magpahinga.
San Nicolas De Tolentino parish of Bais City.







Nagpatuloy ako sa paglalakad at napadpad ako sa kanilang simbahan. Napakaganda ng istraktura.  Nakakamangha dahil siguro sa matingkad nitong kulay na lalong nagpaganda nito. Mukhang makaluma ito sa unang tingin pa lamang. 

Ito ang kanilang Rizal Park bagama't hindi ito kalakihan ay malinis naman ito. Napapalibutan tio ng mga halaman na nagbibigay na preskong hangin sa mga nagpapalipas ng oras dito.











Ito ang magarang Mercado nila. Sa unang kita palang ay sinong mag aakala na palengke pala ito? Kung tutuosin parang mall na ito. Ubod ba naman ito ng laki. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa kanilang palenke at aba! napakalinis nito. Organisado lahat at dalawang palapag pa. Ibang-iba ito sa mga napuntahan at napasukan kong palengke tila nawili ako sa paglilibot sa buong gusali. 


Tunay talaga na naging sulit ang paggala ko sa Bais. Isa ito sa mga maituturing di malilimutan kong paglalakbay ♥♥ Kaya nagbaon ako ng matamis na ngiti pauwi sa amin.





                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                   
























Huwebes, Disyembre 29, 2016

Bayawan City


Lungsod ng Bayawan

Ang Lungsod ng Bayawan ay isang pangalawang klaseng lungsod sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Oriental. Ito ay may sukat na 699.08 kilometro kuwadrado. Ayon sa senso ng populasyon ng 2010, ang Bayawan ay binubuo ng 114,074 katao. Ang kodigo postal ay 6221.Ang Lungsod Bayawan ay isang lungsod ng lalawigan ng Negros Oriental, na matatagpuan may 101 kilometro layo mula sa Lungsod Dumaguete. Napaliligiran ang Bayawan ng hangganan ng Mabinay sa hilaga, Lungsod Tanjay at Lungsod Bais sa silangan, Sta. Catalina sa timog-silangan, Basay sa kanluran, at Lungsod Kabankalan at Negros Occidental sa hilagang-kanlurang bahagi.

Dinarayo ang Lungsod na ito dahil kilala ito sa makulay nitong pagdiriwang ng kanilang makulay na pista. Ito ang tinaguriang "TAWO-TAWO" festival (Scarecrow Festival Of  Bayawan City)  kung saan ang mga gumagawa ng naglalakihang mga "paper mache" ang mga tao kasabay nito ang magiliw na pagsayaw ng mga kalahok sa nasabing patimpalak na kung saan ay nakasuot sila ng makukulay at magagarang damit. Ang mga higanteng mga scarecrow ang nagsisilbing panakot sa mga ibong maya na namiminsala sa mga palay sa palayan ng mga magsasaka. Ang naturang pagdiriwang ay alay sa kanilang patron na si Santo Tomas Villanueva sa pagbibigay ng masaganang ani sa buong taon. Talagang kakaiba ang pagdiriwang sa Lungsod na ito masasabi na sulit ang bakasyon mo dito. Naging ugali na ng pamilya namin ang manood sa nasabing Festival dahil talagang maganda ito at pampamilya. 

Kilala rin ang Lungsod na ito sa napakahaba nitong boulevard na umaabot hanggang mahigit kumulang tatlong kilometro ang layo. Sinasabi na ito raw ay isa sa mga pinakamahabang Boulevard sa buong Pilipinas. Maraning turista ang nasisiyahanh sumakay ng "Potpot" o pedyak kung tawagin sa tuwing iniikot sila sa buong Boulevard. 

Ang baye-baye ay isa naman sa pinaka paboritong kainin naming mga Bayawanon. Ito ang nagsisilbing pinakapatok na delicacy sa amin. binabalik-balikan ito ng ng mga tao at ito'y  maiging pasalubong para sa inyong mga kaibigan. Talagang katakam takam ito sa unang kagat palamang, na alala ko noon nong nag uwi ako ng nasabing pagkain para sa mga kaklase ko ay talagang natuwa sila dahil sabi nila iba talaga ang sarap ng baye baye ng Bayawan. Ito ay gawa sa Glutinous rice (pilit) at Bukayo. Mabibili rin ito sa halagang Isang daan kada Tatlong piraso.
Ito naman ang bagong Parke sa aming bayan. Ito ay ang pinaka unang litrato ko sa bago naming parke. Tila dinarayo ito tuwing gabi dahil sa magarbo at makukulay na mga Fountain na sumasayaw pa. Nawiwili talaga ang mga manonood dahil sa mga nakakaakit nitong kulay lalo pa pag gabi. 

Marami pang hiwaga at kagandahan ang mayroon ang Bayawan. Kaya ipinagmamalaki ko na ako'y Bayawanon ☺